PAHINGA muna si Rayver Cruz s a paggawa ng teleserye dahil paalis siya ng bansa para magbakasyon, na noon pa sana niya ginawa pagkatapos n g 4 0 da y s ng mommy n i y a , pero hindi niya magawa dahil nag t e - t aping pa siya noon ng As awa Ko Karibal Ko.
At ngayong tapos na ang serye ay lumuwag na ang schedule ng aktor kaya nag-plano na siya ng bakasyon, sakto naman dahil may US show siya kasama sina Julie Ann San Jose, Christian Bautista, Betong Sumaya, Kyline Alcantara, Golden Cañedo at Alden Richards sa May 11 na gaganapin sa Kings Theater 1027 Flatbush Avenue, Brooklyn New York. Babalik ng Pilipinas si Rayver ng Hunyo 2.
Pero bago magbakasyon si Rayver ay mag-a-advance taping siya ng Studio 7 na sa probinsiya naman gagawin dahil naubos na yata nila ang lahat ng mall sa Metro Manila.
Gaganapin ang taping sa Dagupan, pero may road show sa SM Pampanga, SM Tarlac at CSI Mall, La Union sa Abril 5 at 6.
Matagal - tagal din palang mawawala si Rayver sa Pilipinas, hmm, mami-miss siya tiyak ng rumored girlfriend niyang si Janine Gutierrez.
-Reggee Bonoan