TOTOO palang nandadakma ng mga nagpapa-tattoo sa kanya si Apo Whang- Od—at sa mga celebrity, si Paolo Ballesteros ang latest victim ng huli at pinakamatandang mambabatok ng Kalinga.
Naka-post sa Instagram ni Paolo ang pagdakma ni Apo Whang-Od sa kanyang harapan, at natawa na lang ang Eat Bulaga host.
Caption ni Paolo: “Mabilis talaga kamay ni Apo Whang-Od.”
Sa IG ni Maine Mendoza, may pictures pa si Paolo nang hawakan ni Apo Whang- Od ang kanyang harapan.
Nagpunta sa Mountain Province sina Paolo, Maine, Anjo Yllana at Ruby Rodriguez para sa taping ng episode nila ng Lenten Special ng Eat Bulaga.
‘Katuwa lang dahil mga taga-Eat Bulaga, na umeere sa GMA-7, ang kaharap at mga bisita ni Apo Whang-Od, pero ang suot niyang T-shirt ay nagtatampok ng mukha nila ni Coco Martin.
Aminado naman kasi ang 102-anyos na traditional tattoo artist na fan siya ng bida ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Nitz Miralles