Sinibak ngayong Martes ni Police General Oscar Albayalde, hepe ng Philippine National Police (PNP), ang commander ng Negros Oriental Provincial Police Office (PPO) at police directors ng Canlaon City, Manjuyod at Sta. Catalina, kasunod ng madugong operasyon sa probinsiya na ikinamatay ng 14 na indibiduwal.

Philippine National Police Chief Director Oscar Albayalde (kuha ni Kevin Tristan Espiritu)

Philippine National Police Chief Director Oscar Albayalde (kuha ni Kevin Tristan Espiritu)

Kabilang sa mga sinibak sina Police Colonel Raul Tacaca, provincial director ng Negros Oriental Provincial Police Office; Police Lieutenant Colonel Patricio Degay, hepe ng Canlaon City Police Station; Police Lieutenant Kevin Roy Mamaradlo, hepe ng Manjuyod Municipal Police Station; at Police Captain Michael Rubia, hepe ng Sta. Catalina Municipal Police Station.

Ang pagsibak sa Negros Oriental police executives ay pagbibigay daan sa imbestigasyon sa pagkamatay ng 14 na indibiduwal sa isinagawang Oplan Sauron nitong Sabado.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Binanggit ang intelligence information mula sa Negros PPO, ang 14 na napatay ay una nang iniugnay ni Albayalde sa Special Partisan Unit (SPARU) ng New People's Army (NPA).

Ito ay pinabulaanan ng Leonardo Panaligan Command (LPC-NPA) sa

Negros Oriental, at sinabing walo sa mga napatay ay magsasaka habang ang iba ay sibilyan.

Ayon kay Albayalde, nagsasagawa na ang Internal Affairs Service (IAS) ng motu propio investigation, upang matukoy kung may pagkakamali ang mga pulis na sangkot sa operasyon.

-Martin A. Sadongdong at Fer Taboy