NAGPATIWAKAL ang 64-taong gulang na si Armando Vega Gil, ang founder at bassist ng Mexican rock band na Botellita de Jerez, nitong Lunes makaraan niyang mag-post ng suicide letter sa Twitter at sabihing walang katotohanan ang akusasyon laban sa kanyang seksuwal niyang inabuso ang isang menor de edad.
Natagpuang wala nang buhay si Armando sa kanyang bahay sa Mexico City, kinumpirma ng mga awtoridad.
Ayon sa musician, walang katotohanan ang akusasyong nangmolestiya siya ng 13 taong gulang na babae sa #MeTooMusicosMexicanos (#MeTooMexicanMusicians) Twitter hashtag.
“I will say this categorically, this accusation is false,” lahad ni Armando sa liham. “Let me make it clear that my death is not a confession of guilt, on the contrary it is a radical declaration of my innocence. I just want to clear the path my son will walk in the future.”
Ayon sa kinatawan ng Botellita de Jerez, si Paola Hernandez, nakausap niya si Armando bandang 2:00 ng umaga, dalawang oras bago ito nagpatiwakal.
“He was really sad and pissed off, he didn’t know how to clear his name. He said he wasn’t guilty ... he was worried about how his son would take all this,” sabi ni Paola nang kapanayamin sa radyo.
Naging mitsa ng pagdedebate sa Mexican social media ang pagkamatay ni Armando. Ilan ang nagsabing kung inosente siya, dapat na nilinis na lang niya sa korte ang kanyang pangalan, habang may nagsabi namang patunay ito na siya ay “guilty and permanently muddied his reputation”.
Tinapos ni Armando ang liham sa pagsasabing: “Don’t blame anyone for my death, this suicide is a conscious, voluntary, free and personal decision. Hasta pronto.”
-Reuters