Maaari nang magdala ng mga likido ang mga pasahero ng LRT Line 1.

LIQUID

Ito makaraang bawiin na ng pamunuan ng LRT-1 ang pagbabawal nito sa mga liquid items sa mga tren nito.

Sa abiso ng LRT-1, na pinangangasiwaan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), nabatid na ang pagbawi sa ban ay epektibo simula ngayong Martes, Abril 2.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Sa lahat po ng aming mga minamahal na pasahero, epektibo mula ngayong ikalawa ng Abril 2019, lifted na ang pagbabawal sa anumang inumin o likido sa loob ng #LRT1,” abiso ng LRT-1 sa Twitter.

Enero 31 ngayong taon nang ipagbawal ng LRT-1, gayundin ng LRT-2 at Metro Rail Transit (MRT)-Line 3, ang pagpapasok ng liquid items sa kanilang mga tren, bilang bahagi ng pinaigting na seguridad kasunod ng serye ng pambobomba sa Mindanao.

Una nang binawi ng MRT ang nasabing ban.

-Mary Ann Santiago