SA press set visit namin kamakailan sa taping ng Kapuso Afternoon primetime ay tanging si Kyline Alcantara lang ang na-interview namin coz ‘yung ibang cast ay abala sa mga eskenang kinukunan sa kanila ng kanilang director.

Kyline copy

Kinumusta namin si Kyline sa working relationship nila ng kanyang kaagaw sa Inagaw na Bituin na si Therese Malvar.

Inamin ni Kyline na nailang sila ni Therese Malvar sa isa’t isa.

Teleserye

Maris Racal, nag-react sa eksena niyang nagtatatakbong naka-bra at panty lang

“Siyempre po, noong unang taping days namin, of course, nagkakapaan pa kami,” pahayag ni Kyline.

“But now, mas better po, mas kumportable sa isa’t isa. Mas nagkakaroon po kami ng connection, mas naipapakita po namin ang connection namin sa isa’t isa.”

May mga pisikalan silang eksena ni Therese. Nandiyang nagsabunutan sila. Hindi raw siya nasaktan, pero may pakiramdam siyang nasaktan niya si Therese.

“May consent niya naman po ‘yun!” natawang sagot ni Kyline.

“Napag-uusapan po namin na kapag gagawa kami ng eksena, gusto po kasi ng audience na tagos sa kanila ang emosyon.

“Kailangan totoo but controlled.”

Ang pinag-aagawan nila ni Therese sa INB ay si Manolo Pedrosa, na tinagurian niyang “Ang Lalaking Walang Pores.”

“Ang kinis-kinis po niya! Wala po siyang pores at mas makinis pa po ang mukha niya kaysa sa akin,” natatawang sagot niya.

Type ba niya si Manolo if ever na manligaw sa kanyang off cam?

“Okay po kami ni Manolo. Ever since, kumportable na po kami sa isa’t isa.

“At ngayon po, medyo dramatic ang gagawin namin.

“Kasi, naka-work ko na po siya sa ‘Daig Kayo ng Lola Ko’, medyo light-light lang.

“Dito po sa Inagaw na Bituin, medyo dramatic. ‘Yun po ‘yung kinakapa pa po namin ang isa’t isa sa dramatic part.

“Sanay po kasi kami sa comedy na magka-partner.”

Pag-aamin pa nitong si Kyline sa pagpili ng lalaki, hindi siya after sa looks lamang or panglabas na kaanyuan.

“Wala po kasi ako sa looks, e, mas more on gentleman.” Well, of course, sino ba naman ang hindi may gusto roon? “Gusto ko ‘yung naniniwala po sa Diyos at may respeto sa pamilya.”

Maliban kay Manolo, nakapareha na ni Kyline ang Kapuso young actors na sina Jeric Gonzales, Ruru Madrid, Migo Adecer, at Miguel Tanfelix.

Sino sa kanila ‘yung nakikita niyang malapit sa ideal niyang lalaki?

“Sa kanilang lahat? Wala naman po kasing gentleman sa kanila,” joke na sagot ng Kyline sabay tawa.

“Kumportable po ako sa kanilang lahat, e.”

Eh kung pamimiliin nga siya sa mga nabanggit na Kapuso actors, sino ang mas may chance sa kanila?

“Siguro po si Jeric, ‘yung close po pero hindi romantic,” pagtatapos ng singer-actress.

Ganern? O, sige na nga!

-MERCY LEJARDE