NAGING emosyonal si Jinkee Pacquiao sa post niya tungkol sa mga anak niyang sina Jimuel Pacquiao at Michael Pacquaio. Sa Bisaya ang post ng misis ni Senator Manny Pacquiao para sa dalawa nilang binata.
“Kapaspas sa panahon, dali lang kayo mo nidagko un niabot ang panahon na naa namo mga uyab! Naka-uyab na gyud! Pero kabalo ko na muabot man gyud na. Nagpasalamat ko sa Ginoo na kamo matinahuron ug mga buotan nga mga anak sa Ginoo. I love you @pacquiao.emmanuel and @pacquaio.michael.”
Ang translation ng sinabi ni Jinkee, naging mabilis daw ang panahon at mabilis din ang paglaki ng kanyang mga anak, na umabot na ngayong parehong may girlfriends na sila. Pero alam daw niyang darating ang panahong ito. Nagpasalamat din siya sa Diyos na respectful at mababait na mga anak ng Diyos ang kanyang mga anak.
Kamakailan lang inamin ni Jimuel na girlfriend na niya ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo. Si Michael naman, ang Malaysian-Filipino singer na si Yazmin Aziz ang girlfriend.
Kung si Jimuel nahihilig sa boxing, si Michael naman ay sa musika nalilinya. Si Michael ang composer at producer ng song na Lihim na kinanta ni Yazmin, and in fairness, maganda ang song.
-NITZ MIRALLES