PINASADSAD ng Pasig Grindhouse ang mahigpit na karibal nilang 1Bataan, 19-7, upang maangkin ang unang Chooks-to-Go 3x3 Pilipinas President’s Cup noong nakaraang Linggo sa SM Fairview sa Quezon City.

Pinangunahan ni Joshua Munzon, ang itinuturing na top ranked 3x3 player ng bansa ang Grindhouse Kings sa championship round sa pag-angkin ng inaugural crown ng torneo at maiuwi ang premyong P1 milyon.

Umiskor si Munzon ng 11 puntos sa finals.

“It’s attributed to our hardwork. Since we first lost in this league, that really left a bad taste on our mouths. We’re driven every week to push ourselves to get better,” ani Munzon na syang tinanghal na tournament’s best player.

“We’ve been practicing for the physicality. It’s something we have to get used to,” dagdag nito. I feel like we’ve been a target since week one,” aniya.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Nagdagdag si Taylor Statham ng 5 puntos at 2 puntos naman si Troy Rike para sa Grindhouse Kings na naunang nag-qualify sa FIBA 3x3 World Tour Masters sa Doha matapos ang 19-18 nilang panalo kontra San Juan Knights-Go For Gold sa semis.

Nanguna naman si Alvin Pasaol para sa Risers,sa itinala nitong limang puntos.

Pinagkaloban naman ni BAVI President at CEO Ronald Mascarinas ng P200,000 ang Risers bilang runner-up.

Kasama ng Pasig, magiging kinatawan ng bansa ang Bataan sa Chooks-to-Go Asia Pacific 3x3 Super Quest sa Abril 6-7 sa SM Megamall Fashion Hall.

-Marivic Awitan