Nabulabog ang mga residente ng Barangay Batasan Hill, Quezon City nang masilayan ang isang sawa, na may habang 12-talampakan, sa creek, ngayong Martes.

(kuha ni Mark Balmores)

(kuha ni Mark Balmores)

Sa inisyal na ulat ni Police MSgt. Hilario Nebato, ng Quezon City Police District PS6 – Tactical Operation Center (QCPD-TOC), ang nahuling sawa ay isang uri ng Burmese Python.

Nakita ni Francis "Kiko" Palamos, residente sa nasabing lugar, ang sawa sa creek sa 2nd Street Kalayaan – B, Bgy. Batasan Hills, Quezon City, dakong 5:30 ng madaling araw.

Metro

‘Libreng Sakay,’ aarangkada sa Valentine’s Day para sa PhilHealth cardholders!

Agad niyang ipinagbigay-alam sa mga residente at nahuli ang sawa, saka dinala sa himpilan ng pulisya.

Ayon kay Police Lt. Col. Joel Villanueva, hepe ng Batasan Police Station 6, ipinadala niya ang sawa sa Wildlife Park sa lungsod para sa kaukulang disposisyon.

-Jun Fabon