Itinuturo ng pulisya ang mga rebelde na nasa likod ng pamamaslang sa isang konsehal sa Negros Occidental, nitong Linggo ng madaling araw.

NPA

Paliwanag ni Western Visayas regional police director, Brig. Gen. John Bulalacao, aabot sa 50 na kaanib ng New People’s Army (NPA) ang sumalakay sa bahay ni Moises Padilla Councilor Jolomar Hilario sa Barangay Inolingan, kamakalawa ng madaling araw.

"The victim has been receiving threats from the New People's Army weeks before he was shot dead," paglilinaw ni Bulalacao.

Metro

‘Libreng Sakay,’ aarangkada sa Valentine’s Day para sa PhilHealth cardholders!

Binanggit ni Bulalacao, si Hilari ay kumakandidato muli sa pagkakonsehal sa midterm elections sa Mayo 13.

Gayunman, binalaan aniya ito nga komunista na huwag nang kumandidato ngunit binalewala lamang niya ito.

Dumating aniya sa bahay ng konsehal ang grupo sakay ng isang truck at hinahanap ang biktima.

Sa kabila ng paki-usap ng pamilya, pinagbabaril pa rin ng mga rebelde ang natutulog na biktima.

Tumakas ang grupo patungo sa bulubundukin sa nabanggit na lugar, ayon kay Bulalacao.

"Responding government troops were not able to respond immediately due to road blocks placed by the NPAs," pahayag pa nito.

-Aaron Recuenco