NEW YORK –Kasalukuyang iniimbistigahan ng New York Police Department ang inihaeng reklamo nang panggagahasa laban kay dating New York Knicks star Kristaps Porzingis, ilang oras matapos magtamo ng ACL injury,a yon sa ulat ni Tina Moore sa New York Post.

PORZINGIS: Delikado.

PORZINGIS: Delikado.

Batay sa paunang report, sa pagbabalik ni Porrzingis sa kanyang apartment sa Manhattan noong Feb. 7, 2018 matapos magtamo ng ACL injury sa laban kontra Milwaukee Bucjs sa Madison Square Garden, kinayag umano nito ang babaeng kapit-bahay sa kanyang tinutuluyan kung saan naganap umano ang pangaabuso.

Naging opisyal ang alegasyon nitong Huwebes nang magsampa ng kaso ang natuyrang biktima at ilang pahayag nito ang maituturing credible at “believable,” kabilang ang pagamin na tumangap sioya ng $68,000 bilang “hush money” kay Porzingis. Aniya, ang pera ay ginamit niyang pambayad sa tuition fee ng nag-aaral na kapatid sa kolehiyo.

Tumangging magbigay ng komento hingil sa kaso ang mga kinatawan ni Porzingis. Inamin naman ni Mark Cuban, may-ari ng Dallas Maverics kung saan nakuha si Porzingos mula sa trade da New York, na alam niya ang naturang isyu. Aniya, kinausap siya ng pamununa ng Knicks hingil dito bago nagkasundo sa trade.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

“We have been instructed by federal authorities not to comment,” pahayag ni Cuban sa kanynag email sa New York Post.

Inamin din ng legal counsel ni Porzingis na si Roland G. Riopelle na alam nila ang isinasagawang imbestigasyon.

“We are aware of the complaint that was made against Mr. Porzingis on Friday and unequivocally deny the allegations,” pahayag ni Riopelle. “We made a formal referral to federal law enforcement on December 20th, 2018, based on the accuser’s extortionate demands. We also alerted the National Basketball Association months ago and they are aware of the ongoing investigation of the accuser by federal law enforcement. We cannot comment further on an ongoing federal investigation. Please refer any questions to the Federal Bureau of Investigation or the National Basketball Association,” aniya.

Tangan si Porzingis ang averaged 22.7 puntos at 6.6 rebounds sa nakalipas na season sa Knicks.