Dinakma ang isang 31-anyos na lalaki sa panggagahasa umano sa isang tatlong taong gulang na babae sa Valenzuela City, nitong Linggo ng gabi.

Arrested man in handcuffs with hands behind back

Kinilala ng Valenzuela City Police ang inaresto na sin Mario dela Cruz, alyas “Tagoy”, helper, ng Caloocan City.

Ayon sa ama ng batang biktima, pinatulog na niya ang anak bandang 6:40 ng gabi, pero nang balikan niya ito sa silid sa bahay nila sa Barangay Mapulang Lupa ay wala na sa kama ang paslit.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Batay sa imbestigasyon, nagpapatrulya ang mga pulis sa Bgy. Ugong bandang 9:00 ng gabi nang tawagin sila ng mga residente upang ipabatid na natagpuan na ni dela Cruz ang nawawalang bata.

Napaulat na lasing noon ang suspek, habang dinala naman sa barangay hall ang biktima.

Sa pag-iimbestiga, napansin ng mga pulis na may bakas ng dugo ang underwear ng bata, na nang tinanong ay umanong hinalay siya ng suspek.

Nang usisain, hindi umano sumagot ang suspek kaya inaresto siya ng mga pulis.

-Joseph Almer Pedrajas