Inaresto ng pulisya ang isang magkapatid na nagtatag na ng grupong sumusuporta sa international terror group na ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa Northern Luzon, sa ikinasang pagsalakay sa kani-kanilang bahay sa Baggao, Cagayan, kamakailan.

ISIS

Ang dalawa ay nakilalang sina Altero at Greg Cariaga.

Si Altero ay tumatayong lider ng Syuful Khilafa Fi Luzon, o Northern Jihadist Group na itinatag nila sa Baggao, Cagayan, noong 2016, habang si Greg ay kasapi lamang ng grupo, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde.

Metro

‘Libreng Sakay,’ aarangkada sa Valentine’s Day para sa PhilHealth cardholders!

Aniya, ang nasabing grupong sumusuporta sa ISIS ay una pa lamang sa na-monitor nila sa labas ng Mindanao.

"Apparently, they are pledging support to ISIS. This is the first time that an ISIS-sympathetic group was monitored outside the area of Mindanao," aniya.

Bukod sa baril at improvised explosive devices (IEDs) na nasamsam sa loob ng mga bahay ng magkapatid, nakumpiskahan din sila ng umano’y bandila ng ISIS nang isagawa ang pagsalakay, nitong Huwebes.

"This is a terrorist and radical islamic propgation group in the concept of an ISIS-inspired group in the country," ayon kay Albayalde.

Sa ngayon aniya ay wala pa silang naitatalang insidente ng pagmamalupit o ginagawang karahasan ng grupo sa naturang lalawigan.

"Probably they just wanted attention," ayon sa opisyal.

Nahaharap ang dalawa sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

-Aaron Recuenco