“NAKAKATAWA ‘yung guy na nali-link kay Vice Ganda, ano nga name no’n?” tanong sa amin ng kaibigan naming nakatira sa Bright Place Condominium kung saan doon din nakatira ang sinasabing boyfriend ng TV host/actor/performer na si Ion Perez.

Ion copy

Sa pagpapatuloy na kuwento sa amin: “Nasasalubong kasi namin siya paglabas ng elevator o kaya nakakasabay naming bumaba. Grabe feeling sikat, bukod sa naka-shades na, naka-hoodie pa at talagang tinatakpan niya ‘yung mukha niya, wala namang pumapansin sa kanya.

“Ang dami-daming Hashtag members na nakatira sa building namin hindi naman sila ganyan, at lumalabas sila nang hindi nagtatago o nagtatakip ng mukha, considering na marami pang fans. ‘Yung Ion, feeling din, eh.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Oo nga, hindi rin namin maisip kung bakit kailangang takpan nang husto ni Ion ang face niya wala namang humahabol sa kanya o nakakakilala masyado sa kanya.

Baka sinasadya para mapansin talaga ang lalaking ito.

Sabi naman ng ibang nakarinig: “Ano ‘yun, nadikit lang ang pangalan kay Vice, feeling sikat na?”

-Reggee Bonoan