SINEGUNDAHAN ng British pop legend na si Elton John ang aktor na si George Clooney sa pananawagang iboykot ang siyam na Brunei-owned hotels dahil sa bagong batas ng death penalty sa bansa laban sa mga gay at adultery o pakikiapid.

ELTON

Padami na nang padami ang nananawagang pulitiko at celebrity na nagpapahayag ng kanilang pagtutol sa bagong batas, at pagpapalaganap ng apelang boykot sa mga produkto o serbisyo ng Brunei.

“I commend my friend, #GeorgeClooney, for taking a stand against the anti-gay discrimination and bigotry taking place in the nation of #Brunei – a place where gay people are brutalized, or worse – by boycotting the Sultan’s hotels,” post ng singer sa kanyang Twitter page nitong Sabado.

Tsika at Intriga

Sofia Andres, naghahanap ng PA na 'kayang basahin nasa isip' niya

Sinabi ng 72-taong gulang na beteranong gay rights campaigner na ang kanyang “heart went out” sa mga staff ng hotel, ngunit “we must send a message, however, we can, that such treatment is unacceptable”.

Ang siyam na hotel na binanggit ni George ay nasa Britain, France, Italy, at sa United States. Kasama rito ang exclusive Dorchester sa London at ang Beverly Hills Hotel sa Los Angeles.

Naglabas naman ang Dorchester Collection luxury chain ng pahayag kung saan binigyang-diin na pinanindigan nila ang “equality, respect, and integrity in all areas” at “we do not tolerate any form of discrimination”, ayon sa ulat ng CNN.

Nanawagan ng pag-boycott si George nitong nakaraang linggo at aniya, “every single time we stay at or take meetings at or dine at any of these nine hotels, we are putting money directly into the pockets of men who choose to stone and whip to death their own citizens for being gay or accused of adultery”.

‘BARBARIC’ DECISION

“No one should face the death penalty because of who they love. Brunei’s decision is barbaric,” post ng Britain’s international development minister na si Penny Mordaunt sa Twitter.

Tinawag naman ni dating New Zealand prime minister Helen Clark ang bagong penal code na “shocking” at “barbaric”.

Nanawagan na rin ang Amnesty International sa Brunei “(to) immediately halt its plans to implement these vicious punishments”.

Sa US, nakatanggap si George ng suporta mula sa mga mambabatas ng dalawang partido ng pulitika at ng matibay na pahayag mula sa Trump administration.

“We strongly oppose human rights violations and abuses against LGBTI persons, including violence,” lahad ng State Department sa statement.

LGBTI stands for Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender and Intersex. Ang intersex people ay mga taong isinilang na ang physical features ay hindi buong lalaki o babae.

-Agence France-Presse