Arestado ang isang graduating student makaraang makumpiskahan umano ng marijuana sa istasyon ng LRT-Line 2 sa Sampaloc, Maynila, nitong Sabado ng gabi.

STUDE

Ayon sa pulisya, nadiskubre ng mga kawani ng LRT 2 ang dalawang umano’y glass tubes na may bahaging nasunog ng marijuana mula sa bag ng suspek nang idaan ito sa x-ray machine sa South Entrance ng Legarda Station.

Kaagad na hiniling ng security guard na alisin ng estudyante ang mga laman ng kanyang bulsa, ay nasamsam umano mula sa kanya ang P100 halaga ng marijuana na itinago sa lalagyan ng hair wax.

Metro

‘Libreng Sakay,’ aarangkada sa Valentine’s Day para sa PhilHealth cardholders!

Bandang 6:00 ng gabi nang i-report sa pulisya ang insidente, at kinilala ang suspek na si Kenny Francis Pelipel, 21, estudyante, at taga-Cainta, Rizal.

Nakapiit ngayon si Pelipel sa Manila Police District (MPD) Station 4 at nahaharap sa paglabag sa Sections 11 at 12 ng Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

-Ria Fernandez