Taboo pa rin sa maraming bahay na pag-usapan ang tungkol sa sexuality education, ayon sa isang opisyal ng Commission on Population.

SEX

“Our parents are not open discussing about STI (sexually transmitted infections), HIV/AIDS, about teenage pregnancy, they are not open—still considered as a taboo. There is stigma in the premarital sex,” ayon kay POPCOM-National Capital Region (NCR) Director Lydio Español.

Sinabi ni Español na kailangang maituro ito sa loob ng tahanan, bukod sa itinuturo sa mga paaralan.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“Our schools are openly discussing about it. And our adolescents are very receptive to know what are really the facts behind what they think that they should learn and understand about adolescent's sexuality,” ani Español.

At dahil bawal pag-usapan sa bahay, sinabi ni Español na nanghihingi tuloy ang kabataan ng impormasyon sa “less reliable sources”.

“In that case… adolescents are resorting to their own way of looking for information like from the internet, from their friends, which we cannot say that those are reliable or accurate information,” aniya.

Hinikayat ni Español ang mga magulang na ipaliwanag sa kanilang mga anak ang sexuality, gayundin sa mga Youth Councils sa mga barangay.

-Analou De Vera