HINDI sinasadyang magkita si Yours Truly at si former Laguna Gov. E.R. Ejercito sa opisina ng Viva Films kumakailan, kaya sinamantala na namin na makapanayam ang dati ring aktor, since matagal na rin namin siyang hindi nakakatsikahan simula nang alisin siya sa puwesto bilang gobernador ng Laguna years ago.

Nilinaw namin kung totoong kandidato uli siya para gobernador ng Laguna?“Yes. Lalaban po tayo muli bilang gobernador ng lalawigan ng Laguna,” aniya.

Bakit niya naisipang muling tumakbo bilang Laguna governor?“Well, tayo naman po ay scientific ang approach sa tuwing lalaban sa kampanya at election, at ayon sa lahat nang ating survey companies, tayo po ang leading sa survey bilang gobernador ng lalawigan ng Laguna. Halos lahat ay 60% in my favor. And most likely to be a Laguna governor once again.”

Are you pro-Duterte Administration?

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

“Yes, I am a die-hard Duterte supporter and I have been lecturing, teaching Bayanihan Federalism for more than three years now to support President’s advocacy for a Federal Republic of The Philippines for the year 2022, kaya tayo ay die-hard President Duterte supporter, at tayo ay miyembro ng Partido Federalismo.”

Anong masasabi niya na tipong kinokopo ng mga Ejercito-Estrada ang pulitika sa bansa?“Ah, hindi na dapat pinag-uusapan ‘yang anti-Dynasty Law, dahil binibigyan naman natin ng kalayaan at pagkakataon ang ating mga botante na piliin ang karapat-dapat na mga kandidato tuwing halalan.

“Ang mga kandidatong maka-Diyos, makatao, makabayan at makakalikasan, at dahil magaganda ang performance ng ilan nating mga kamag-anak, eh, kaya nagwawagi at nananalo.

“Kaya hindi na po isyu ‘yang Dynasty-Dynasty Law na ‘yan, dahil kapag mahal ka ng tao at sila ay kuntento sa serbisyo na ibinibigay mo, kahit kayo magkakamag-anak pa, mag-asawa, magkapatid, mag-tatay o mag-nanay or magpinsan eh, siguradong mananalo ka dahil kuntento at masaya ang taumbayan sa serbisyo mo.”Kunsabagay, may katuwiran siya. Mula kay Ex-president now Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada, nagsenador din sina Jinggoy Estrada at JV Ejercito. Ang mother ni Sen. JV na si Guia Gomez ay incumbent San Juan City mayor, at naging senador din ang kina ni Jinggoy na si Dra. Loi Estrada.

Ang misis nga ni E.R. na si Maita Gomez-Ejercito ay mayor naman sa isang bayan sa Laguna. Kaya tama lang na masabi ng dating gobernador na hindi isyu sa kanilang pamilya ang Anti-Dynasty Law, dahil nga siguro naging maganda ang kanilang performance bilang public servants.

-MERCY LEJARDE