Ipinakilala kamakailan ng Technical Education and Skills Development Authority-Isabela (TESDA-Isabela) ang isang proyekto na layong matugunan ang pangangailangan ng pamahalaan para sa mas maraming construction workers para sa programang “Build, Build, Build.”
“Tower Plus project is an initiative of TESDA-Isabela. We are now contacting contractors so we could start onsite trainings and assessments. We also encourage more schools to offer programs for the construction sector,” pahayag ni TESDA-Isabela Director, Demetrio Anduyan, Jr. sa Philippine News Agency (PNA) nitong Lunes.
Magkakaloob ang Tower Plus program ng onsite assessment at pagsasanay sa higit 200 manggagawa. Ayon kay Anduyan, hinihintay na lamang ang pagsagot ng mga contractors para sa petsa ng pagtataya.
Dagdag pa niya, ipinag-utos na sa mga probinsiyal na opisina ng TESDAna tugunan ang kakulangan ng mga manggagawa para sa programang “Build, Build, Build.” Kung saan bawat opisina ay maaaring humanap ng sariling estratehiya.
“We had a dialogue with the DPWH (Department of Public Works and Highways) and contractors. We also conducted a survey on the present and future needs of skilled workers,” saad ni Anduyan na sinabing ang proyektong ito ay mangangailangan lamang ng pagtutulungan.
“We (will address the contractors’) need for their workers by providing them with the training. We will assess their workers to identify the skills gaps and address these by providing them with supplemental training that can be done onsite,”aniya.
Samantala, ibinahagi rin ng opisyal na mayroon ng ilang paaralan na humihingi ng pahintulot upang makapagbukas ng kurso para sa mga heavy equipment operations, welding, at iba pang kaugnay na kurso.
Aniya, nakipagdayalogo na ang TESDA-Isabela, sa apat na construction companies, upang kumbinsihin ang mga ito na maging enterprise-based institutions.
“Tower Plus project intensifies our efforts so we can immediately address the need for more construction workers. Even our scholarship slots are being given to schools offering construction-related courses,” paliwanag pa niya.
PNA