Nais ng Pilipinas na magkaroon ng mas maraming babaeng peacekeepers sa pagtiyak sa seguridad sa mga lugar na may digmaan—gaya ng suggestion ni Angelina Jolie.

Defense Secretary Delfin Lorenzana (MB, file)

Defense Secretary Delfin Lorenzana (MB, file)

“More skilled and trained female peacekeepers are vital to the success of peacekeeping operations. The Philippines commits to deploy more female peacekeepers in the future,” ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa kanyang talumpati sa United Nations Peacekeeping Ministerial Meeting on Uniformed Capabilities, Performance, and Protection in New York.

Maging ang hollywood actress na si Angelina Jolie, special envoy for the UN Refugee Agency (UNHCR), ay nananawagan ng mas maraming papel para sa kababaihan sa peacekeeping missions, lalo na sa aspeto ng pag-alaga sa mga biktima ng rape at iba pang sexual and gender-based violence na karamihan ay mga babae.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa United Nations’ peacekeeping website, sinabi nito na ang mga babaeng peacekeepers ay magsisilbing role models sa local environment, magsisilbing inspirasyon sa kababaihan na isulong ang kanilang karapatan at para sa pakikiisa sa peace processes.

Aaron Recuenco