ABALANG-abala ngayon ang host-comedian na si Arnell Ignacio sa kanyang showbiz commitments matapos niyang mag-resign bilang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Arnell Ignacio copy

Pero sa gitna ng kaliwa’t kanang guestings ay nasisingit pa rin niya ang pangangampanya para sa Juan Movement party-list, na member siya.

Naniniwala si Arnelli na swak na swak ang mga adhikain ng nasabing party-list para sa tunay na pagbabago ng mga Pilipino. Binibigyang-diin kasi ng grupo ang “love of country” at “sipag” na susi para umunlad ang bansa.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Matalik na kaibigan ni Arnelli sina Jun Llave, Nico Valencia, at Mark Boado na nominees ng Juan Movement party-list. Pawang professional entrepreneur, youth and civic leader at educator ang tatlo.

Naniniwala sila na kailangang buhayin ng bansa ang mga nakaligtaang industriya na tatak Pilipino, tulad ng paghahabi. Ito ay upang maengganyo ang ating mga kababayan na tangkilikin ang sariling atin sa halip na mga gawang dayuhan.

-Remy Umerez