Matapos pagbantaan na lahat sila ay magdurusa sa kahihitnatnan kung hindi nito agarang maibabalik ang suplay ng tubig sa East Zone ng Metro Manila na pinagsisilbihan ng Manila Water, mabilis na binuksan ng mga opisyal na sangkot ang mga balbula nitong nakaraang linggo at nagbalik na ang daloy ng tubig sa libu-libong apektadong kabahayan.
Tinakot ni Pangulong Duterte na sisibakin ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at wawakasan ang kasunduan sa dalawang pribadong kumpanya na may hawak ng distribusyon ng tubig sa buong Metro Manila—ang Manila Water sa East Zone at Maynilad sa West Zone.
Wala naman talagang krisis sa tubig, sinabi ni presidential Salvador Panelo, na isinisi ang buong problema sa “mismanagement” ng MWSS. Kasunod nito, inanunsiyo ng Pangulo na magdedesisyon siya sa Abril 15 kung sisibakin niya ang mga opisyal ng MWSSmatapos niyang matanggap ang ulat sa Abril 10.
Simpleng kaso nga lamang ba ito ng maling pamamahala ng mga opisyal—ilan opisyal ang nagdesisyon na itigil muna ang suplay ng tubig dail sa nakaambang kakulangan dito?
Nagbalik na ang tubig sa East Zone; lumalabas na muli nang binuksan ang supply valve.
Ngunit nitong nakaraang Linggo, inihayag ng Philippime Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)—ang weather bureau—na malapit na sa kritikal na lebel ang tubig sa Angat Dam, na pinagkukunan ng 97 porsiyento ng tubig sa Metro Manila.
Bandang 6:00 ng umaga, nasa 195.91-16.09 metro na ang lebel ng tubig sa Angat na mababa kumpara sa mataas na lebel na 212 metro. Patuloy ang pagbaba nito sa 41 sentimetro kada araw. At maaaring bumaba sa 180 metro bago magsimula ang tag-ulan sa Hunyo.
Ang patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat ang naging dahilan ng aksiyon ng mga opisyal ng MWSS—o nataranta- nitong Marso—nang itigil ang suplay. Ipinatupad nila ito ng walang abiso, kaya naman nagdulot ito ng emergency kung saan libu-libong kabahayan ang hindi nakapaghanda.
May katotohanan ang patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat. Ngunit nagpaalala lamang ang PAGASAat umapela sa mga residente ng Metro Manila na magtipid ng tubig.
Higit na kritikal ang susunod na buwan ng Abril at Mayo. Walang inaasahang pag-ulan da panahong ito na regular na panahon ng tag-init. Mas lalo ring pinalala ng El Niño ang sitwasyon ngayong taon—ang init na nabubuo sa gitnang bahagi ng Karagatang Pasipiko na kalaunan ay kumakalat sa iba-ibang direksiyon. Inaasahan ng PAGASAna sa Hunyo pa darating ang ulan; kaya naman kinakailangan nating tipirin ang tubig na mayroon tayo sa Angat Dam.
Tunay naman walang ‘emergency’ na tulad ng idinulot ng walang abisong desisyon na pagtigil ng suplay ng tubig sa East Zone ng Metro Manila dalawang linggo na ang nakararaan. Ngunit maaari itong magkatotoo kung hindi natin sisimulan ngayon ang pagtitipid sa suplay na mayroon tayo.