SI Ryan Reynolds ang gustong makasama ni Jessy Mendiola kapag na-stranded siya sa isang lugar, bukod sa boyfriend niyang si Luis Manzano, siyempre.

Jessy, fan at Arjo

“Si Ryan Reynolds kasi super funny niya, at sobrang favorite ko siyang aktor sa Hollywood. I’m a fan of Deadpool (pelikula ni Ryan) so kung ma-stuck man ako, guwapo na nga nakakatawa pa,” tumatawang sabi ng leading lady ni Arjo Atayde sa pelikulang Stranded, handog ng Regal Entertainment.

Kung sakali, saan ayaw na ayaw ni Jessy na ma-stranded?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I don’t want to get stranded sa elevator, hindi ko kaya. I experienced it once and I don’t want to experience it again. Sobrang nakakatakot kasi, at least ‘pag nasa ground ka or sa toilet ka na-stuck puwede mong sirain ‘yung pinto, eh. Pero ‘pag elevator, ‘pag hanging, lalo’t nasa mataas kayo na floor, nakakatakot.”

Natanong din ang aktres kung mag-e-expect ba ang moviegoers ng kilig moments sa Stranded.

“Oh yes, definitely po. This film, gusto rin naming maging upfront about it.

“‘Di ba sanay tayong lahat sa movies na maraming locations, maraming nangyayari laging big. Ito pong film na ito, sobrang simple niya and steady ‘yung flow niya, at doon kami na-challenge, kung paano ba namin [gagawing] interesting ang bawat eksena.

“Doon nagkatalo sa mga linyahan (dayalogo), about emotions na ibinibigay ng dalawang characters, and ‘yung tulad po ng sinabi ni direk (Ice Adanan) kanina na mangyayari lang po ‘yung istorya namin sa isang building. Puro sharing ng buhay, expect a lot. Tulad po ng sinabi ni Arjo sa mga pagsayaw-sayaw sa mga kandila, isa lang ‘yun sa mga nakakalig na eksena,” kuwento ng dalaga.

Anyway, ang dalawang naunang pelikula ni Jessy, ang The Girl in the Orange Dress (MMFF 2018) at ‘Tol ay parehong hindi kumita, at natuwa ang mga bashers niya. Kaya sana ay kumita ang Stranded ay kumita para mabali ang wish ng mga taong hindi siya gusto.

“’Yung MMFF po, siguro po hindi rin natin maintindihan ang gusto ng audience kaya medyo nahirapan din kami. Kasi, pansin ko po, for the past year, nagbabago ang gusto ng audience, eh. Minsan gusto nila ng rom-com, minsan, gusto nila ng heavy-drama, minsan gusto nila ng slapstick comedy. So, like tulad po ng ibang movies na na-release since January, wala pong magandang gross, eh. So, hindi rin po puwedeng ma-blame lang sa isang movie or dahil lang sa akin, hindi naman po ‘yun one-man-film.

“I would just want to share na 4th Osaka Asian Film Festival (OAFF). Siguro hindi man na-appreciate dito sa Pilipinas, na-appreciate naman po siya sa ibang bansa and that’s enough for us.

“This movie (Stranded) I am very proud of it. Gusto ko rin idamay ‘yung ibang movies na hindi naging okay siguro [for] the past 4 or 3 months. Wala po talagang naging okay (kumita), except Alone/Together by LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil). But let’s all be honest that’s a love team, and marami po talaga silang following at sobrang sikat nu’ng dalawa.

“So ‘yun nga po, tulad ng sinasabi ni Direk Erik (Matti), sinasabi ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) at ng ibang filmmakers na sana po i-push talaga ‘yung opening (ng local movies) ng Fridays, kasi po feeling po namin mas malaki ang kikitain ng mga pelikula.

“Medyo nakakalungkot lang po na ‘yung mga bashers o kapwa natin Pinoy, ‘yun (hindi kumita ang pelikula) ang naiisip. Isipin po sana natin kung nasusuportahan ba natin ang sariling atin?

“Kahit po hindi sa akin, ‘yung iba rin pong pelikula, tulungan po natin. Kasi po, ‘pag lumakas naman po ang kita natin sa mga pelikula, mas magiging proud po tayo na ipakita ‘yun sa ibang bansa,” mahabang pahayag ni Jessy.

Samantala, hiningan din ng reaksiyon ang aktres na magkasabay ang showing ng Stranded at Last Fool Show sa Abril 10. Ang huli ay pinagbibidahan ng ex-boyfriend niyang si JM de Guzman.

“Kung puwede n’yo panoorin ‘yung parehas bakit naman hindi? Basta mas maganda ‘yung sunud-sunod na maglabas ng mga pelikulang Pinoy, kasi siyempre medyo naghihikahos na ang ating movie industry. So sana, as much as possible, kung makakalabas tayo ng maraming pelikulang Pinoy bakit hindi? At siyempre kung maglalabas kami, sana mas madami rin ang sumuporta sa lahat ng pelikula. Okay lang kung magkasabay.

“Actually, nagulat kami na magsasabay kami, kasi nu’ng una hindi talaga dapat kami April 10 but then I guess sina Mother Lily (Monteverde) decided to show it earlier para maging summer film siya.

“Magkaiba naman kami ng kuwento, eh. I saw their trailer and siguro naman kung napanood n’yo ‘yung trailer namin sobrang magkaiba. Magkaiba ng atake, ng kuwento. Ours is more of like inspiring story about how two lives are changed by each other. Sa kanila naman I think is about exes, about imagination and everything,” magandang sabi ni Jessy.

Open ba si Jessy na makatrabaho si JM sakaling may offer?

“Ako willing ako pero siya ‘ata hindi. Baka hindi pa siya ready,” ani Jessy, at natawa.

“Nag-a-assume lang ako ha, huwag n’yo ako masyado seryosohin.

“Ako okay lang sa akin basta trabaho. Nagkita lang yata kami parang two months ago sa ASAP. Baka hindi lang nagkakataon. I don’t call the shots.

“So sa management ‘yun or sa kung may gusto man kumuha sa amin together, nasa kanila ‘yun. Pero wala pa naman pagkakataon na kinukuha kami sa isang project, so wala. I guess it’s not meant to be,” magandang sabi ng dalaga.

Abangan ang Stranded sa mga sinehan sa Abril 10, handog ng Regal Entertainment mula sa direksyon ni Ice Adanan, at script nina Easy Ferrer at Jeps Gallon.

Para sa karagdagang impormasyon ay follow Regal Entertainment Inc sa Facebook at YouTube, @RegalFilms sa Twitter @RegalFilms50 sa Instagram.

-REGGEE BONOAN