KABUUANG 34 eskwelahan ang magpapakitang-gilas sa paglarga ng 25th Fr. Martin Cup summer tournament na magbubukas sa Abril 6 (Sabado) sa St. Placid gymnasium sa San Beda Manila campus sa Mendiola.

IBINIDA ni dating San Beda College junior champion coach Ato Badolato (kanan) ang pagdagsa ng mga koponan na lalahok sa Fr. Martin Cup summer league sa kanyang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’ kasama si POC deputy  secretary at sepak takraw president Karen Caballero-Tanchangco at TOPS president Ed Andaya.

IBINIDA ni dating San Beda College junior champion coach Ato Badolato (kanan) ang pagdagsa ng mga koponan na lalahok sa Fr. Martin Cup summer league sa kanyang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’ kasama si POC deputy secretary at sepak takraw president Karen Caballero-Tanchangco at TOPS president Ed Andaya.

Ayon kay organizer Edmundo ‘Ato’ Badolato na magdedepensa ang San Beda Red Lions sa senior division laban sa 13 challengers.

Tatanglain ng Red Lions na makabawi sa masaklap na kabiguan laban sa National University Bulldogs, 66-67, sa nakalipas na 15th Fr. Martin Collegiate Open finals.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“This will be the longest running pre-season tournament that dates back to 1994,” pahayag ni Badolato sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapaon sa National Press Club (NPC).

Katuwang ni Badolato, itinuturing ‘winningest junior coach’ sa bansa, sa pagbuo ng Fr. Martin Cup sina Noel Ascue at Nic Jorge sa kapanahunan ng Basketball Association of the Philippines (BAP).

Sinabi ni Badolato na may 14 na koponan naman, sa pangunguna ng reigning titlist Adamson University,  ang sasalang sa junior division.

Sa women's side, pangungunahan ng NU LadyBulldogs ang limang koponan na sumagot sa hamon.

“Again, hinihinge kop o ang suporta ninyo para sa tagumpay ng Fr. Martin Cup. Ito po ang kontribusyon naming sa grassroots sports development program,” sambit ni Badolato sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC).

Sa Collegiate Open finals,  naisalpak ni Enzo Joson ang winning layup para sa Bulldogs sa krusyal na sandali, habang nanguna si Niko Abatayo na may 14 puntos.

Hataw si Arnaud Noah sa naiskor na game-high 13 puntos para sa Red Lions.

Bukod sa Red Lions, makikibahagi rin ang Mapua University, San Sebastian College, Diliman College, Arellano University, Far Eastern University, AMA University, Preston College,  Letran, La Consolacion College-Manila has also signed up with National College of Science and Technology, Lyceum Philippines University, de La Salle University, University of Santo Tomas at University of the Philippines.

Sa junior side, hahamon sa damson Baby Falcons ang Lyceum, FEU, St. Patrick School, Preston College, UST, LCCM, San Beda-Rizal, Letran, Diliman Preparatory School, San Beda-Manila at First City Providential College.

Magkakasubukan naman sa women's side ang UST, Enderun, La Salle, University of the East at NU.