Happy 74th birthday, Tatay Digong!

Sina dating Davao City Vice Mayor Paolo at Pangulong Rodrigo Duterte. (file)

Sina dating Davao City Vice Mayor Paolo at Pangulong Rodrigo Duterte. (file)

Dahil birthday ngayon, pinayuhan ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang amang si Pangulong Duterte na “find time to rest” at sila na ng kanyang kapatid na si Inday Sara ang bahala sa mga kritiko nito.

Ito ang mensahe ng nakababatang Duterte kaugnay ng ika-74 na kaarawan ng Presidente ngayong Huwebes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Happy Birthday Pa! Bisag unsa ka ka-busy sa imong trabaho, usahay wa na kay tulog, pero makapangita ra gihapon ka og oras para kanabmo. Daghang Salamat Pa (Kahit pa sobrang busy ka sa iyong trabaho, at minsan nga ay wala nang tulog, lagi ka pa rin may oras para sa amin),” saad sa mensahe ni Paolo sa ama.

Tiniyak ng dating bise alkalde na lagi lang silang magkakapatid nakasuporta sa kanilang ama. Wish niyang magkaroon ito ng panahon ngayong araw para makapahinga, at sana ay manatiling malusog.

“Naa ra mi dri kanunay mosuporta kanimo. Pahulay sad usahay, pasagdi ng mga tawo nga pabright-bright diha, si Inday Sara Zimmerman Duterte nay bahala nila! hehehe Ug kanang mga irong buang Pa, ako nay bahala nila (Narito lang kami para sa ‘yo. Magpahinga ka ngayon. Kami na ni Inday Sara ang bahala sa mga kritiko mo).

“Hinaot nga kanunay ka nga anaa sa maayong panglawas aron sab nga makapadayon ka sa pagserbisyo sa katawhan (Sana ay lagi kang malusog para maipagpatuloy mo ang pagsisilbi sa bayan).

Mas maikli naman ang mensahe ni Davao City Mayor Sara para sa kaarawan ng ama, na ipinost niya sa Instagram kasama ang litrato ng Pangulo habang nakikipaglaro sa apo nito sa loob ng kanilang bahay sa Davao City.

“A lecture on responsible gadget use by Lolo Digong. #HappyBirthdayPRD! I wish you good health and happiness,” post ni Inday Sara.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na nais lang niyang manatili sa bahay at matulog kaysa magkaroon ng malaking party para sa kanyang 74th birthday. Nais lang niyang makasama ang mga mahal niya sa buhay.

“I really do not want to celebrate. I just want to stay at home and sleep, and if there is somebody welcome to me, it’s my children and grandchildren,” anang Pangulo.

Argyll Cyrus B. Geducos