ILANG pelikula na ang napanood natin tungkol sa naging buhay ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal sa iba’t ibang bersyon kasama ang mga magagandang dilag na naka-relasyon niya sa Pilipinas, at sa ibang bansa pero hindi nagkaroon ng pagkakataong kilalanin ang babaeng tumatak sa puso ng lahat, si Ms. Josephine Bracken.

bullet

Ayon sa Wikipedia, si Josephine, na ang tunay na pangalan ay Marie Josephine Leopoldine Bracken, ang common-law wife ni Rizal noong nagtago siya sa Dapitan, Zamboanga del Norte kung saan biniyayaan sila ng isang anak na lalaki na si Francisco Bracken Rizal.

At dahil naging makulay ang pagsasama nina Rizal at Bracken ay naisip ng movie producer/politician na si Bullet Jaloslos na gumawa ng biopic ng huli.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nahinto ang pagpo-produce ni Congressman Bullet ng pelikula dahil naging busy siya sa pagtulong sa kanyang mga kababayan sa Zamboanga del Norte.

At ngayong may oras na ulit ay balik-pelikula na siya.

“I’m going to do a movie of Josephine Bracken, asawa ni Jose Rizal at taga-Dapitan sila at doon sila na-inlove, they got married. Ang daming kuwento tungkol diyan na hindi pa talaga napag-uusapan. Sa schools we talked about Jose Rizal, Josephine Bracken. But we never really goes kung sino ba talaga siya. Parang telling Jose Rizal’s story thru a lovers’ eyes naman.

“It’s a very colorful story at may mga tsismis, and that has been confirmed by no less then Direk Lino Cayetano, naging partner ko rin siya noong gumagawa kami ng short films. Parang Josephine joined the revolution. Lumaban siya kay (Andres) Bonifacio, very very interesting and she ended up marrying someone from Cebu. And she ended up going back to her homeland in Hongkong, China. And died alone without someone on her side, so very tragic and very colorful,” kuwento ni Congressman Bullet nang maka-tsikahan namin kamakailan kasama ang ilang miyembro ng media.

Hindi pa final kung sino ang gaganap sa papel na Josephine pero kung ibabase raw sa itsurang banyaga ay pasado si Andi Eigenmann.

Paliwanag ni Bullet na kumakandidatong Governor ng Zamboanga del Norte, “Hindi puwedeng Pinoy eh. Si Josephine kasi, half Chinese, half Irish. Siguro puwede si Andi Eigenmann, pero kamukha niya kasi. I’m not sure kung okay siya. Pero on the top of my head, siya ang naiisip ko. Wala pang director, aayusin pa.”

Naniniwala ang binatang pulitiko na maraming interesado sa project na ito kapag nagpa-audition sila.

“I spoke to MVP (Pangilinan) before. He was actually interested in the film. Gagawin niya sanang teleserye eh. It’s either we do this or not at all kasi malalim ito sa amin eh. Maraming controversies eh.”

Nabanggit na may kaanak pang buhay si Josephine na naninirahan sa Cebu.

“So I would like to begin the story na may narrator sa umpisa ng movie then at the end you’ll find na she’s the great great grand daughter pala, ‘yung narrator.”

Nabanggit din ni Bullet na may isa pa siyang pelikula na gagawin, ang Yaya movie na umiikot sa kuwento ng mga tagapag-alaga ng mga anak na hindi kayang alagaan ng magulang dahil may mga trabaho.

“It’s a movie that give commends to all yaya’s kasi parang wala pang movie na nagbibigay-pugay sa mga yaya, eh. The emotional investment na ibinibigay ng yaya sa alaga nila na hindi nila kamag-anak eh grabe pa, considering na maraming yaya na hindi nag-aasawa, iniiwan sila ng pamilya nila, kasi masyado silang busy. Minsan ‘pag lumaki na ‘yung alaga nila, nagiging yaya na sila ng anak ng inaalagaan pa nila noon,” kuwento ni Cong. Bullet.

Kasama pala siya sa grupo nina Boy2 Quizon, Rufa Mae Quinto, Ronald Singsong, at Neil Arce sa produksiyong Brown Sugar Productions, sa pelikulang Coming Soon, na ini-release ng Viva noong Abril 2013.

Labindawalang milyon ang nagastos sa Coming Soon, “Nasunog ako ng maaga noon, siguro trial by fire, kaya naman ngayon tututukan ko talaga ang paggawa. Mula sa script, casting, kailangan nandoon ako to the venue,” pagtatapat ng kongresista.

Anyway, kapansin-pansin na tipong artista si Bullet pero hindi niya pinasok ang showbiz.

“Hindi ako pang-artista eh, although I did commercials,” napangiting sambit ng binata.

Samantala, huling termino na ni Bullet bilang kongresman sa 1st district ng Zamboanga del Norte at kumakandidato siyang gobernador ng nasabing bayan.

Tinanong namin kung bakit hindi Senado ang puntirya niya.

“Gusto ko kasing tutukan ang pagtulong sa mga kababayan ko, ‘yung Senador, madali naman ‘yan. Hindi pa kasi ako tapos sa mga kababayan ko.

Ang Universal Health Care ang pinaka-main project ni Bullet sa mga kababayan niya kapag naupo siya bilang gobernador ng nasabing lalawigan, na masasabing unang probinsiya na magbibigay ng UHC na zero talaga ang babayaran.

Aniya, “If I can make ligaw sa mga agencies and ‘yung tatlong mananalong kongresista sa ilalim natin na makapagpo-produce sila ng P35-M o P40-M, na magiging P120-M a year tapos dagdagan pa natin ng P100-M mula sa probinsiya, so mayroon kaming P220-M na kapag taga-Zamboanga del Norte ka, libre ang pagpapagamot. Hopefully ‘yun talaga ang plano ko. At nakita naman ng mga constituent ko ang mga nagagawa ko kaya hindi nila nakukuwestiyon kung kaya kong gawin ito. I’d like to continue pa and improve at ibalik ang saya sa probinsiya.”

Anyway, pagkatapos ng presscon ay tutungo si Cong. Bullet sa meeting niya para sa planong pelikula ni Josephine Bracken.

-REGGEE BONOAN