WALANG nakuhang malinaw na sagot kay Arjo Atayde tungkol kay Maine Mendoza sa nakaraang mediacon ng pelikulang Stranded na ginanap sa Valencia Events Place nitong Martes nang tanghali.
Makailang beses tinanong sa iba’t ibang anggulo ang leading man ni Jessy Mendiola tungkol sa relasyon nila ni Maine pero hindi siya napilit ng media kaya panay ang hingi niya ng dispensa sa lahat.
K a h i t n a k i k i t a n g l a g i n g magkasamang masaya sina Arjo at Maine ay nananatiling tikom ang bibig ng aktor.
“I don’t wanna talk about it right now and I wanna pay respect to Jessy. So let’s stick to the story of the movie,” maayos na sagot ng binata.
Kami naman ang nagtanong tungkol sa litratong ipinost ng fans sa Instagram account na EverythingArMaine na nakahiga si Arjo sa kama habang inaayusan si Maine para dumalo sa 50th Guillermo Mendoza Awards.
Ang suot ng aktor ay siya ring suot niya nang mag-mall tour para sa promo ng Stranded.
Napaisip si Arjo at sabay ngiting, “what you see is what you get, ‘yon na lang po muna, I don’t want na pag-usapan po muna si Maine.”
O di ba, maski kami tablado sa aktor, ha, ha, ha. Ayaw niya talagang isinasama ang dalaga sa mga panayam na walang kinalaman sa projects na pino-promote niya.
Nabanggit pa ng binata, “may ibang panahon po para diyan (Maine).”
Pero hindi pa rin gumib-ap ang media at hiningan ng reaksyon ang aktor dahil ilang araw nang hindi sumisipot si Maine sa Eat Bulaga. Sabi ng bashers ay inuuna kasi ang lovelife.
Depensa n i A r j o , “Wala pong ganu’n. Bashers will be bashers, wala po akong pakialam sa kanila (sabay tawa). Wala po talaga akong reaksyon and I don’t even read. I have no time to read.”
Maging ang pagdi-date nila sa Star City ay ayaw ding pag-usapan ni Arjo, “saka na lang po”.
Samantala, magaang ka-trabaho si Jessy ayon kay Arjo dahil kumportable na sila sa isa’t isa.
“Sobrang comfortable po, walang ilangan kasi we’ve been friends ever since bago pa ako (artista) naging kaibigan ko na si Jessy. We’ve been talking every time we see each other, we’re comfortable with each other, so masaya ako to be given the opportunity to work and of course with Direk Ice (Idanan),” sambit ng binata.
Si Arjo ay si Spencer sa Stranded na magulo sa gamit at walang plano sa buhay kumpara kay Jessy na gusto lahat nasa tamang ayos at detalyado.
“Ang similarity ko po sa karakter ko ay spontaneous din, kasi hindi ako masyadong nagpa-plano, mas gusto ko ‘yung kung anong trip n’yo that day with friends, family, love ones. Kung ano ‘yung trip mo that day ‘yun ang gagawin n’yo, eh. What else?
“Siguro ‘yung pagiging makalat kasi hindi naman ako araw-araw na oz katulad ni Jessy. Ako’y may kalat moments din bilang lalaki. Although makalat din ang kuwarto pero lumalabas ang pagiging maarte ko sa damit ‘pag sobrang gulo na. Pero ito kasi medyo sabog ang gamit ni Spencer, sa akin hindi naman ganu’n,” kuwento ng aktor.
At dahil Stranded ang titulo ng pelikula ay sino ang gustong makasama ni Arjo kapag na-stranded siya sa isang lugar.
“Foreign ( a r t i s t ) , maybe Ellen (DeGeneres), such an interesting person, eh. Saka gusto ko good vibes lang. If I get stranded in one place maybe in a coffee shop para gising kami buong gabi at mag-uusap lang. Yeah, something like that Ellen DeGeneres, overnight in a coffee shop,” pahayag ng aktor na laging nabubulol sa pagbanggit ng DeGeneres.
At ang mga lugar na ayaw na ayaw ma-stranded ni Arjo?
“Sa cr (comfort room), somewhere too close na hindi ako makakaikot like elevator, room or something, definitely I don’t want to (be) stranded there,” sagot niya.
Sinagot naman ng direktor ng pelikula na si Ice Adanan ang tanong kina Arjo at Jessy kung hindi boring panoorin ang Stranded na sila lang ang makikita sa buong pelikula.
“The warehouse po that we shot in is a very big warehouse and we made sure that we explore the whole warehouse. And being that I came from professional cinematography, nakapaka-important po sa akin ang visual, aside from the scene na dynamic and which is look very good. Idinaan ko po ‘yun na dapat maganda ‘yung itsura niya. Marami po silang talking doon and gusto ko pong sabihin na the topics are interesting, relatable and visually I made sure that they’re look good,” paliwanag ni Direk Ice.
Idinaan naman sa biro ni Arjo kung ano ang plano niya sa Holy Week, “manonood po ng ‘Stranded’ (Abril 10) kasi inabutan kami ng Holy Week (sabay tawa).”
Hirit namin ‘pagkatapos manood, anong susunod?’
“Magpapa-block screening po ako, ” tumatawang sagot sa amin.
Hay nakakaloka kang kausap Arjo, ang husay mong lumusot. Pero tama rin dahil bilang respeto sa taong kasama mo sa project.
Anyway, sobrang nagpasalamat ang aktor sa lahat ng mga nakapanood ng Bagman na sinasabing mahusay siya at abangan daw ang ikalawang drops o 3 episodes (Marso 27) sa iWant dahil mas maaksyon at mas madugo ang makikita kumpara sa naunang anim na episodes at sa Abril 3.
Mapapanood naman na ang Stranded sa Abril 10 produced ng Regal Entertainment, Inc mula sa direksyon ni Ice Idanan mula sa script nina Easy Ferrer at Jeps Gallon.
Para sa karagdagang impormasyon ay i-follow ang Regal Entertainment Inc sa Facebook at Youtube, @RegalFilms sa Twitter @RegalFilms50 sa Instagram.
-REGGEE BONOAN