SA ika-apat na sunod na taon naitakda ang duwelo ng University of Santo Tomas at ng Adamson University sa finals matapos tagumpay na mawalis ng Tigresses ang second seed at twice-to-beat De La Salle, 9-2,sa UAAP Season 81 softball tournament nitong Lunes sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Bumalikwas ang Tigresses mula sa 0-2 pagkakaiwan sa pangunguna ni Celyn Ojare para maitakda ang ika-4 na sunod nilang paghaharap ng Lady Falcons sa championship round.
Muli na namang tatangkain ng UST na putulin ang dinastiya ng Lady Falcons sa UAAP softball.
Uumpisahan ang kanilang best-of-3 championship series sa Biyernes ng umaga sa parehas ding venue.
Nauna ng ipinatas ng UST ang laban pagkaraag burahin ang twice-to-beat advantage ng Lady Batters nang talunin nito ang huli noong Sabado sa simula ng Final Four round.
Nakausad na ng finals ang top-ranked Lady Falcons pagkaraang igupo ang No. 4 seed National University,2-1 noon ding nakaraang Sabado sa makasaysayang venue sa Manila.
-Marivic Awitan