PINASINAYAAN ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga lokal na opisyal ng Sultan Kudarat sa Maguindanao, kamakailan ang pagbubukas ng Balay Silangan Reformation and Treatment Center para sa mga Drug Law Offenders na masisilbi sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Pinangunahan Mayor Shameem Mastura ng Sultan Kudarat at PDEA-BARMM deputy regional director Marlon Santos ang seremonya para sa pormal na pagbubukas ng pasilidad.
Ayon kay Santos, ang mga programa sa “Balay Silangan” ay ipatutupad sa tatlong bahagi kung saan kabilang ang pagpapaliwanag at pagpapakalat ng tungkol sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at iba pang mga kaugnay na batas para sa mga nasangkot sa ilegal na droga.
Ang ikalawang bahagi ay ang pagpapaunlad ng personal at kakayahang ng mga “reformists”, habang ang ikatlo at huling bahagi ay nakatuon sa programang pangkabuhayan upang ihanda ang mga dating nasasangkot sa droga sa kanilang pagbabalik sa lipunan.
Nakapagtala ang Sultan Kudarat ng 951 drug surrenderers sa pagpapatupad ng “Oplan Tokhang” ng pulisya sa loob ng nakalipas na dalawang taon.
Pagbabahagi rin ni Santos na mula sa nabanggit na bilang, 30 ang kukuha ng “first step” para sa pagbabagong-buhay upang maging produktibo, may kakayahan at mamayang tumatalima sa batas.
“The reformatory process is the government’s post-anti-drug operation program to give chance to drug personalities take once more the right path to life,” paliwanag niya sa isang panayam.
Ayon kay Santos magkakaloob ang reformation center ng mga pagsasanay para sa kabuhayan kabilang ang electrical wiring, welding, food production/processing, driving, at machinery operating.
Kasama rin sa programa ang “values formation and social norms” upang maihanda ang ito sa kanilang bagong buhay.
PNA