NEW YORK – Ayon sa New York Times, ang mixed martial arts star na si Conor McGregor ay nasa ilalim ng imbestigasyon sa Ireland matapos akusahan ng sexual assault.

Ayon sa report, nakapagtala ng 4 na hindi pinangalanan na source ang Times matapos mag-tweet ni McGregor na napagdesisyunan na niyang magretiro sa kanyang career.

"Hey guys quick announcement, I've decided to retire from the sport formally known as 'Mixed Martial Art' today," tweet ni McGregor. "I wish all my old colleagues well going forward in competition."

Binigyang pansin ng New York Times na hindi pa nakasahun ng kahit anong krimen si McGregor at ang pagiimbestiga sa kanya ay hindi nangangahulugang guilty na siya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pero sinabi din nila na nakuwestiyon na siya noon ng mga awtoridad noong Enero matapos siya akusahan ng isang babae ng sexual assault noong Disyembre.

Isang spokesman ng Ireland police ay ayaw kumpirmahin sa dyaryo na isang suspect nga si McGregor sa assault.

Ang babaeng nag-akusa sa kanya ay sinabing naganap ito sa Beacon Hotel kung saan madalas makita si McGregor, ayon sa Times.

Hindi pa nagbibigay ng komento si McGregor at ang UFC. Si Karen J. Kessler, ang publicist ni McGregor na nakatira sa New Jersey ay nagbigay ng pahayag na ang report ng Times at ang retirement ni McGregor ay hindi magkaugnay.

"This story has been circulating for some time and it is unclear why it is being reported now," sabi sa isang bahagi ng statment. "The assumption that the Conor retirement announcement today is related to this rumor is absolutely false."

Si Dubliner, isa sa mga bankable stars sa UFC ay nangako dati na magreretiro noong 2016 na sinasabing isang negotiating gambit.

Ang 30 anyos ay hindi na lumaban ulit matapos matalo ng karibal na si Khabib Nurmagomedov noong Oktubre 2018.

Nabigyan naman ng 6-month suspension si McGregor para sa kanyang inasal matapos ang Nurmagomedov na laban, isang ban  na nagpapatigil sa kanya sa paglaban hanggang Abril.

Naaresto siya sa Miami nitong buwan matapos ang insidenteng pagbato niya ng cellphone sa labas ng isang nightclub sa Florida.

Nakasuhan siya ng criminal mischief at strong –armed robbery matapos sabihin ng mga pulis na kinuha niya ang cellphone mula sa kamay ng isang fan at tinapak-tapakan ito.

Naaresto din si McGregor noong nakaraang taon sa New York matapos niya atakihin ang isang charter bus na may sakay na mga kalabang martial arts fighters. Sa isang video footage ay nakita si McGregor na nagbato ng isang steel dolly sa bintana ng bus.