Nasa 51 pang alkalde ang inireklamo sa Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y palpak na anti-drug council sa kani-kanilang nasasakupan, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ito na ang ikatlong grupo na kinasuhan ni DILG Assistant Secretary for External and Legislative Affairs Ricojudge Jan vier Echiverri, sa anti-graft agency.

Kinasuhan ang mga alkalde ng misconduct at dereliction of duty dahil na rin sa matamlay at hindi maayos na pamamalakad sa kanilang anti-drug abuse councils (ADAC).

Sa nasabing bilang, siyam sa mga ito ang natukoy na sangkot sa ilieal na droga habang ang iba sa kanila ay hindi aktibo ang ADAC.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dahil dito, aniya, posibleng masuspinde o matanggal sa kanilang posisyon ang mga ito.

"The respondent committed an administrative offense by his deliberate refusal to create the local ADAC. Had it been that the respondent intended to comply, he can easily [create] the local ADAC, but failed to do so," ayon sa reklamo.

-Czarina Nicole Ong-Ki