ANG poet, composer at rakista ng bandang Rocksteddy na si Teddy Corpuz ay bida na ngayon sa pelikula. Ang role niya sa Papa Pogi ay isang lalaking habulin ng mga chicks. Plus factor para kay Ted na ang kanilang direktor ay si Alex Calleja na isang bonafide comedian. Binigyan daw siya nito ng freedom na gamitin ang materials or inputs niya para maging katawa-tawa ang mga eksena.
Maraming pinagkakaabalahan ngayon si Teddy na ‘tila nagpahiwatig siya na gusto na niyang magpahinga sa pagkanta. “Playing with the band is a fulltime job at kung wala kang gig ay wala kang kita. Feeling lucky ako dahil may iba akong pinagkakakitaan at ayokong palagpasin ang good opportunity tulad ng paglabas sa ‘Showtime’,” sabi ni Teddy.
Maikli lang ang tugon ni Teddy hinggil isyu ng pagmumura, na kung saan nadamay ang kanyang pangalan dahil sa komento na kanyang nai-post. “Everything is permissible but not everything is beneficial.”
Medyo may kalaliman yata.
-Remy Umerez