Inaasahang bababa sa P30-P32 ang presyo ng kada kilo ng well-milled rice sa mga susunod na buwan, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

RICE

Paliwanag ni Trade Industry Sec. Ramon Lopez, mararamdaman ang pagbaba ng presyo ng bigas kapag dumating na ang mga inangkat na bigas, sa ilalim ng Rice Tarrification law.

Inaasahang dadami ang supply ng bigas, kaya bababa ang presyo nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mula sa P44 ay babagsak ang presyo ng bigas, at ayon kay Lopez, kapag full-blown na ang importation ay magiging P30 na ang kada kilo ng well-milled rice.

Dahil sa Rice Tarrification law, inaasaahan ng gobyerno ang P10-bilyon dagdag-kita sa taripa, na magagamit para maayudahan ang mga magsasaka.

-Beth Camia