Pitong brown packs na naglalaman ng hinihinalang cocaine ang natagpuan ng tatlong mangingisda makaraang lumutang ito sa dagat sa Bagamanoc, Catanduanes kahapon.
Sinabi ni Chief Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, na ang hinihinalang cocaine ay nadiskubre nina Marcel Benosa y Binamira, 33; Danilo Villasana y Vitalicio, 65; at Bandola y Zapanta, 47, pawang mangingisda at taga-Barangay Bugao, Bagamanoc.
Ayon kay Calubaquib, may dollar sign ang pitong pakete at tumitimbang ng 8.635 kilo.
Sinabi ni Ms. Cotton Yuson, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Bicol, na ang narekober na droga ay nagkakahalaga ng P45,765,500.
“Ang total weight po ng recovered per PNP report is 8.635 kilos. So the total value po niyan ay P45,765,500, kasi one kilo of cocaine is equivalent to P5.3 million,” ani Yuson.
Niño N. Luces