Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang "no window hours" policy para sa number coding scheme ay epektibo sa lahat ng pangunahing kalsada at Mabuhay Lanes.

WINDOW_ONLINE

Sa pulong ngayong Martes ng Metro Manila Council (MMC), sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na may mga maling alintuntunin sa traffic number coding scheme na kumakalat online.

“We have agreed to standardize the 'no window hours' scheme on national roads and roads listed as Mabuhay Lane," ani Garcia sa mga mamahayag, matapos ang pulong na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 17 local government units sa Metro Manila.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Aniya, nagkasundo ang mga miyembro ng MMC na amyendahan ang umiiral ng number coding schemes at traffic code, na ipinatutupad sa kanilang nasasakupan.

Ipinatutupad ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme simula Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na 7:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi, sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, kabilang ang EDSA.

"Effective immediately, MMDA traffic enforcers will apprehend violators on national roads while counterpart traffic enforcers of local government units will do the apprehension in their jurisdiction," sambit ni Garcia.

-Bella Gamotea