Ipinag-utos ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde na agad sibakin sa puwesto ang tatlong mataas na police officers sa Region 12 dahil sa umano’y pagkakasangkot sa halos P2-billion investment scam.

(AP Photo/Bullit Marquez)

(AP Photo/Bullit Marquez)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang tatlong police officers na ipinasisibak ay sina PSSUPT Manuel M. Lukban, Jr., PSSUPT Raul S. Supiter, at PSUPT Henry P. Biñas, pawang ng PRO 12.

Ipinag-utos ito ni Año upang hindi makialam at maimpluwensiyahan ng mga akusado ang imbestigasyon sa Police Paluwagan Movement (PPM) investment scam.

Ang tatlong police officers at ilang uniformed at non-uniformed personnel ng General Santos City Police Office (GSCPO) ang nasa likod ng scam.

Ipinag-utos niya sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magsagawa ng agarang imbestigasyon sa scam na umano’y nambiktima ng ilang PNP personnel sa PRO 12, kanilang pamilya, kaanak, at kaibigan.

Sinabi ng DILG chief na base sa inisyal na ulat ni Region 12 Director Chief Superintendent Elisio T. Rasco, ang PPM investment scam ay nakapanghikayat ng iba’t ibang sektor sa rehiyon.

Kabilang sa mga nabiktima ay prosecutors, judges, negosyante, at iba pang ordinaryong sibilyan na naloko dahil sa “very tempting big interest offered by the group.”

Nag-aalok umano ang PPM ng 60 percent interest rate kada 15 araw sa perang ini-invest ng mga biktima.

Sa loob ng ilang buwan, ang PNP personnel na sangkot sa scam ay bumili umano ng mga ari-arian.

Nag-isyu umano ang mga ito ng mga tumalbog na cheke dahil kulang ang pondo sa bank accounts ng PPM.

Nasa 30 police personnel at sibilyan ang sangkot umano sa scam.

Binalaan ng DILG chief ang iba pang Police Regional Offices laban sa scam. 

“I want the other regions to know of this scam so that they do not fall prey to a similar scheme. Let this serve as a warning to them that the DILG-PNP will not tolerate any wrong doing among our ranks,” dagdag niya.

-Chito Chavez