SA mga showbiz event na dinaluhan namin nitong Sabado, mainit na pinag-uusapan ang viral ngayong scandalous video umano ng aktres na si Loisa Andalio.
Base sa petsang nakalagay sa video ay kuha pa ito noong Hulyo 1, 2018.
Maraming nagsabing kamukha lang ni Loisa ang babae sa video, pero may nagsabi namang ang girlfriend daw talaga ng Hashtag member na si Ronnie Alonte ang babaeng nasa video, na nilalaro ang boobs.
Ma y n a k i t a kaming tattoo sa kanang kamay ng babaeng nasa video, kaya naghanap kami ng mga litrato ni Loisa sa Instagram kung mayroon siyang tattoo sa kanang kamay at parang meron kaming nakita, pero hindi ito katulad ng nasa video.
Ang tattoo ng babaeng nasa video ay isang linya na nasa ibabaw ng kanang kamay, samantalang ‘yung nakita naming kuha ni Loisa para sa isang cosmetic endorsement ay nasa kabilang bahagi ng kanang kamay ang tattoo niya, at magkaibang-magkaiba.
Para sa amin ay hindi si Loisa ang babaeng nasa scandal video, pero aminado kaming kahawig niya ang babae.
Kaya naman may mga nabasa kaming komento sa video post ng aktres sa IG habang nagbo-boxing siya na baka raw kakambal niya ang nasa video.
Kaya pala nang hingan namin ng official statement ang Star Magic nitong Sabado rin ay hindi kami sinagot. Ano nga naman ang sasabihin nila, eh hindi naman si Loisa ‘yung nasa video. Anyway, kahit pa hindi si Loisa ang nasa video, sinasabi ng maraming netizens na dapat nang itigil ang pagpapakalat ng nasabing video, at isipin na lang na babae rin ang nanay o kung may kapatid na babae, o asawa, o girlfriend ang nag-upload at nagpapakalat ng nasabing video.
May netizen naman na nagpaalala na maikokonsiderang paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012, at RA 9995 or Anti- Photo and Video Voyeurism Act of 2009 ang ginagawa ng mga nagpapakalat ng naturang video, si Loisa man ‘yun o hindi. Sabi ng netizen na si @Apostoool: “Anyone who shares and reproduces the alleged leaked scandal of Loisa Andalio could be sued through RA 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012 and RA 9995 or the Anti- Photo and Video Voyeurism Act of 2009. Be warned.”
Sumang-ayon sa kanya si @Maej28: “Loisa Andalio’s scandal is one of the example on how our society being toxic and sucks. Shaming and cyberbullying the victim rather than calling the person who post and spread the video. I’m not a fan but we need to respect and help her.”
Curious naman si @PeterToshBot kaya pinanood niya ang video: “I’ll be a hypocrite if I say na ‘di ko ginustong mapanood ‘yung scandal ni Loisa. Siyempre ginusto ko, out of curiosity, and guys, lalaki ako. But as a respect to her, please don’t spread the video and please don’t judge her because we don’t have an idea why did she do that.”
Marami pa kaming nabasang komento na halos iisa ang pahayag, nagagalit sila sa taong nag-upload at nagpapakalat ng nasabing video.
-REGGEE BONOAN