Hinihikayat ang mga magsasaka sa bayan ng San Jose De Buenavista, Antique na magtanim ng mas maraming kawayan para sa kanilang kabuhayan at upang makatulong na malabanan ang tumitinding problema sa climate change.
Sinabi ni Edgardo C. Manda, pangulo ng Philippine Bamboo Furniture, Inc, kamakailan, na patuloy ang paglakas sa merkado ng mga produktong yari sa kawayan para sa mga komersiyal at industriyal na paggamit.
Sa kanyang talumpati sa First Provincial Disaster Risk and Reduction and Management/Climate Change Adaptation and Mitigation Summit sa bayan, sinabi ni Manda na malaki ang kahingian para sa mga produktong gawa sa kawayan, sa lokal at internasyunal na merkado.
Gayunman, nabanggit niya na kinakailangang sanayin ang mga magsasaka sa mga hakbang para sa pagsisimula ng bamboo propagation, nursery, pagtatatag ng kabuhayan at pakikipag-ugnayan sa merkado upang mapanatili ang kanilang mga interes. “There is a need to train farmers on crop management,” aniya.
Isa pang pagsubok, aniya ay para sa lokal na pamahalaan, Department of Agriculture at sa Department of Environment and Natural Resources ang pangangailangan na maglaan ng atensiyon sa mga kawayan, tulad ng ibinibigay nito sa sektor ng niyog, kape at goma.
“The problem is that the Department of Agriculture does not accept bamboo as an agriculture commodity like fiber and other consumer products,” ani Manda.
Idinagdag pa niya ang Department of Trade and Industry, na habang nagbibigay, aniya, ng kinakailangang pasasanay at mga kagamitan para sa komersyal at industriyal na paggamit ng kawayan, nakalilimutan umano ng mga ito na maglaan ng pagsasanay para sa pagpaparami ng mga hilaw na materyales na pangunahing kailangan upang malikha ang mga produkto.
Dagdag pa ni Mandan, sa pamamagitan ng pagtatanim ng mas maraming kawayan, makatutulong din ang mga magsasaka na malabanan ang climate change dahil sa “carbon sequestration” na ginagawa ng kawayan.
“For one hectare of bamboo, it absorbs 62 tons of carbon dioxide,” aniya.
May matibay at mahabang ugat din ang mga kawayan na epektibong panlaban sa pagguho ng lupa at landslide, paliwanag pa ni Mandan.
PNA