GINAPI ng De La Salle University ang mahigpit na karibal nilang Ateneo de Manila, 2-1, upang umangat sa solong ikalawang puwesto sa pagtatapos ng first round ng UAAP Season 81 men’s football tournament sa FEU-Diliman pitch.

Dalawang beses umiskor si Alfonso Montelibano habang isang ‘late save’ ang ginawa ni goalkeeper Gab Villacin upang mabigyan ang Green Booters ng 12 puntos.

Nauna rito, nagtala ng goal si Allen Lozano upang tulungan ang Adamson University sa psgposte ng 2-1 panalo kontra defending champion University of the Philippines para sa una nilang full point ngayong season.

Pumuwesto ang De La Salle sa likod ng namumunong Far Eastern University na may 15 puntos.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Unang goal ni Montelibano ay naitala sa 13th minute buhat ss assist ni Shanden Vergara na sinundan nya ng isang header mula ss free kick ni Jed Diamante makalipas ang 11 minuto.

Galing naman ang solong goal ng Blue Eagles sa isang header ni Rupert Baña sa 26th minute.

Nanatiling katabla ang Ateneo ng University of Santo Tomas sa third spot sa taglay nilang tig-10 puntos.

Bumaba naman ang Fighting Maroons na wala ang anim sa kanilang starters dahil sa kanilang national Under 23 team duties sa pitong puntos kasalo ng Falcons at University of the East.

-Marivic Awitan