KAPWA tinalo sa 12-round unanimous decision nina IBO bantamweight champion Michael Dasmariñas at undefeated minimumweight Samuel Salva upang matiyak na mapapalaban sa world title bout sa hinaharap sa Resorts World Hotel, Pasay City kamakalawa ng gabi.

Dinaig ni Dasmariñas ang knockout artist na si Kenny Demecillo sa 12-round IBF bantamweight eliminator upang maging mandatory challenger ni undefeated IBF bantamweight titlist Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico na kakasa sa wala ring talong si WBA bantamweight champion Naoya Inoue ng Japan sa semifinals ng World Boxing Super Series sa Mayo 18 sa Glasgow, Scotland.

Posibleng ideklarang kampeon ng IBF si Dasmariñas, nagwagi laban kay Demecillo sa mga iskor na 116-112, 115-113 at 117-111, kung matatalo si Rodriguez kay Inoue.

Napaganda ni Dasmariñas ang kanyang kartada sa 29-2-1 na may 19 pagwawagi sa knockouts at umangat bilang isa sa mga pangunahing boksingero ng bansa sa 118 pounds division kasunod nina WBA bantamweight champion Nonito Donaire Jr. two-division world champion John Riel Casimero at interim WBA bantamweight titlist Reymart Gaballo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tinalo naman ni Salva si Rene Mark Cuarto via 12-round unanimous decision din upang maging mandatory challenger ni IBF minimumweight champion Deejay Kriel ng South Africa.

Nagwagi si Salva laban kay Cuarto sa mga iskor na 116-112, 117-111 at 116-112 para manatiling perpekto ang kanyang rekord sa 17 panalo, 10 sa pamamagitan ng knockouts.

-Gilbert Espeña