Mga Laro Ngayon

(JCSGO Gym, Cubao)

2 p.m. - The Masterpiece Clothing-Trinity vs Marinerong Pilipino

4 p.m. - Che’Lu Bar and Grill vs McDavid

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Foundation Group

W L

CEU 4 0

VAL 3 1

MPC 3 1

WAN 2 1

MAR 2 2

DIL 2 2

CHA 2 3

UPHD 1 2

TUA 0 3

SMDC 0 4

MAKAANGAT sa ikalawang puwesto ng Aspirants Group kasalo ng Cignal-Ateneo ang aasintahin ng Chelu Bar and Grill sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D League ngayon na lilipat naman ang aksiyon sa Quezon City sa pagdaraos ng double header sa JCSGO Gym sa Cubao.

Makakatunggali ng Revellers sa huling laro ganap na 4:00 ng hapon ang baguhang McDavid kasunod ng unang salpukan ng mga Foundation Group squads The Masterpiece Clothing-Trinity University of Asia ganap na 2:00 ng hapon.

Taglay ng Revellers ang barahang 2-1 kasalo ang Petron-Letran sa ikatlong posisyon, isang panalo ang layo sa pumapangalawang Cignal-Ateneo.

Manggagaling ang Chelu sa 89-63 panalo kontra Batangas-EAC noong Marso 12 sa pamumuno nina Sean Manganti at Jesse Collado.

Sa kabilang dako, pipilitin namang masungkit ng McDavid ang mailap na unang panalo upang makaahon mula sa kinalalagyang ilakim ng standings kasalo ng Family Mart-Enderun College sa markang 0-3.

Samantala sa unang laro, tstsngkain naman ng Marinerong Pilipino na makapagsolo sa ika-4 na puwedto ng Foundation Group sa pagtutuos nila ng winless pa ring The Masterpiece Clothing-Trinity .

Hawak ng Skippers ang patas na barahang 2-2, kasalo ng Diliman College-Gerry’s Grill kasunod ng Wangs Basketball(2-1), Metropac-San Beda (3-1), Valencia City-San Sebastian(3-1) at ng di pa natatalong CEU (4-0).

Nakakatatlong laro na ang Stallions ngunit di pa rin nakakatikim ng panalo kung kaya nasa buntot ito ng Foundation Group kasama ng SMDC-NU (0-4).

-Marivic Awitan