INAASAHANG daan-daan kapulisan at atletang bulakenyo ang lalahok sa limang kilometrong Fun Run for a Peaceful Election 2019 sa Marso 30 na magsisimula at magtatapos sa Malolos Sports Convention Center(MSCC)sa Malolos City,Bulacan.

Inorganisa ng Malolos City Police Station sa ilalim ng overall supervision ni P/Supt.Emerey Abating,Malolos City Police Chief,,tatahakin ng mga lalahok sa takbuhan ang kahabaan ng Mac-Arthur Highway na magsisimula sa MSCC na siyang sentrong venue ng mga sports events sa makasaysayang siyudad ng Malolos at layunin nitong magkaroon ng malinis at mapayapang eleksyon sa darating na May elections.

Ang takbuhan ay mayroong P300 registration fee kasama na ang singlets,BIB number at snack at mayroon itong dalawang kategorya ng magwawagi sa takbuhan na inilaan para sa sibilyang mananakbo at unipormadong pulis na tatanggap ng cash prize para sa unang tatlong babae at lalaking tatawid ng meta.

Eksaktong ala 6:00 ng umaga ay pakakawalan ang mga runners at inaasahan ding lalahok sa fun run ang mga sundalo,istudyante, weekend warriors at kasapi ng Bigaa Bulacan Writers and Artists Society (BIGWAS)para suportahan ang takbuhang ito na ang pondong malilikom ay ilalaan para sa mga programa ng kapulisan ng Malolos City.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa mga interestadong runner,maaaring makipag-ugnayan kina Sunny(0917-205-2220),OJ (0932 -183-6878),William(0905-860-3601) at Agnes(0906-771-2288) o makipag-ugnayan sa Admin office ng Malolos City Police Station para sa karagdagang impormasyon.