MULING ibinida ng La Trinidad, Benguet, na tinaguriang Strawberry Capital at Salad Bowl of the Philippines, ang Giant Strawberry Cake, kasabay ang pagparada ng eco-friendly floats at ng cultural dancing, sa grand celebration ng 38th Strawberry Festival nitong Sabado.

A

Kinilala ng Guinness Book of World Record ang La Trinidad sa kanilang mahusay at masarap na paggawa ng Largest Strawberry Shortcake, noong 2004.

Muling ginunita ang kasaysayan sa pamamagitan ng pagbuo ng giant Strawberry Cake, na ginawa ng kilalang Valley Bread Inc., at naging tampok sa grand celebration.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Hindi ito kasing-laki na nasa Guinness Book, pero malaki din at gusto naming maging masaya ang aming kababayan bilang simbolo ng pagkakaisa at maunlad na pamumuhay sa agrikultura. Siyempre gusto din namin ipatikim sa mga dumalo ang masarap na strawberry cake,” pahayag ni Mayor Romeo Salda.

Ang giant strawberry cake ay may taas na 1.6 meters, length na 2.55 meters, width na 1.65 meters, at tumitimbang ng 1.6 tonelada, na ginamitan ng 600 kilos ng strawberry, at umaabot sa halagang P675,000.

Para masilayan ito sa loob ng Lednicky Hall ng munisipyo na air-conditioned, nasa sampung katao ang pinapapasok para sa picture taking. Umabot sa 12,000 slice ang cake at ipinatikim sa mga dumalo sa okasyon.

Bago iprinisinta ang giant cake ay nagsagawa ng makukulay na cultural presentation ang mga kalahok sa street dancing, at kasabay ang pagpaparada ng 14 na environmentally-friendly floats ng mga barangay.

Ang mga mini- floats na gawa sa mga recycled materials ay sumisimbulo sa bawat produkto ng barangay, bukod pa sa “smoke-free” floats, dahil hinihila lang ito ng mga tao.

-Sinulat at larawang kuha ni RIZALDY COMANDA