Ipinatatanggal ng Commission on Elections sa Department of Health ang mga “Malasakit Center” posters sa mga pampublikong ospital, na karaniwan nang mayroong pangalan at litrato ng senatorial candidate na si Bong Go.

MALASAKIT

Ito ay kaugnay ng pagbabawal sa pagkakabit ng mga propaganda materials sa mga establisimyentong pagmamay-ari ng pamahalaan.

“We requested the DoH to remove posters in Malasakit Centers government hospitals,” tweet ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“No posters or images of candidates on government buildings,” aniya pa.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop center para sa mabilisang pagbibigay ng serbisyong medikal sa mahihirap.

Sinabi rin ni Guanzon na napadalhan na ng notices ang lahat ng kandidatong may illegal posters.

“We at Comelec sent notices to all candidates that have illegal posters,” sabi ni Guanzon.

Una nang sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na tuluy-tuloy ang pagsasagawa nila ng “Operation Baklas” laban sa mga illegal campaign materials ng mga kandidato sa pagkasenador at party-list.

-Leslie Ann G. Aquino