Iniutos na ng Commission on Audit (CoA) sa mga dati at kasalukuyang opisyal at kawani ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System–Corporate Office na ibalik sa pamahalaan ang tinanggap nilang P8, 173, 730 meal allowance noong 2012 at 2013.

COA

Isinapubliko ang kautusan nitong nakaraang linggo at pirmado ito ng tatlong miyembro ng CoA Commission Proper (CP) na pinangunahan ni CoA Chairman Michael Aguinaldo.

Inilabas ang kautusan matapos ibasura ng CoA ang petition for review na iniharap ng MWSS-CO bilang pagkontra sa ipinalabas na apat na notices of disallowances (NDs) ng ahensya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Paliwanag ng CoA, nabigo ang MWSS-CO sa alituntunin ng ahensya dahil natapos na ang 362 araw mula nang isapubliko ang NDs.

Sa patakaran, maaari lamang tanggapin ng CoA ang petisyon sa loob ng 180 araw mula nang ibaba ang NDs.

“Based on the foregoing, petitioners had already exhausted the reglementary period of six months or 180 days to file the Petition for Review. Petitioners did not offer any plausible explanation for the extended delay in filing this appeal. Thus, this Commission finds no compelling reason to justify the relaxation of its rules of procedures,” pagdidiin pa ng COA.

-Ben R. Rosario