DAHIL sunud-sunod na local films ang hindi kumikita, tigil muna sa pagpo-produce ang grupo ng indie producers dahil mag-iipon daw uli sila. May ibang business at day job naman sila.

Nganga kasi sa sinehan ang mga huling pelikula n g i n d i e p r o d u c e r s , kaya saka na lang daw ulit sila gagawa ng pelikula kapag naipatupad na ang Biyernes na opening ng l o c a l films, at ang natapyasan ang bayad sa sinehan.

Hindi naman nabanggit kung kasama sila sa meeting kamakailan kay FDCP Chairperson Liza Diño para sa kahilingang ilipat sa Biyernes ang pagbubukas ng mga pelikula, para may garantiyang tatlong araw (Biyernes, Sabado at Linggo) na hindi ito tatanggalin kaagad sa mga sinehan.

Sa huling linggo ng Abril, o unang linggo ng Mayo na ang simula ng Friday opening, sa halip na Miyerkules. ‘Yung pagbabawas ng bayad sa sinehan para sa mga estudyante ay pinag-aaralan pa ng film producers at theater owners.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Going back sa grupo ng indie producers, plano rin pala nilang makipagtrabaho sa mga rating indie directors na napasok na ang mainstream, tulad nina Antoinette Jadaone, Sigrid Andrea Bernardo, Irene Emma Villamor at Jason Paul Laxamana.

“Kaso ‘yung direktor namin kasosyo namin kaya automatic lahat ng pelikulang ipo-produce namin gusto niya siya ang direktor lagi. Eh, siyempre bilang producer gusto mo rin ng ibang katrabaho.

“Okay naman si (kasosyong direktor) matipid nga, doon naman kami bilib. Kaso halata sa pelikula na tipid din,” tsika sa amin ng isa sa grupo. “Nag-meeting na kami noon na baka puwedeng ibang direktor naman, pero hindi siya pumayag.”

Hindi naman daw kalakihan ang investment ng direktor, kaso marami siyang hawak na tao na, kumbaga package na.

“Kung magpo-produce kami at iba ang kukunin namin, medyo mahal sila, eh. Nagtanong na kami. Actually do’n sa mga nabanggit (director), mahal s i l a ka s i ma y mga blockbuster movies na sila.

“Itong direktor namin wala pa, eh. Pahirapan pang maka break-even,” pagtatapat sa amin ng kausap naming indie producer.

Payo namin na subukan nila ang ibang direktor, tul ad ng mga nabanggit, dahil posibleng maka-hit din sila. Sabi nga try and try until you succeed.

-Reggee Bonoan