MAY proyektong serye ang direktor na si Erik Matti sa HBO Asia isa sa mga bagong content na ipapalabas ng platform ngayong taon.
Si Erik ang unang Pinoy na magdidirek ng episode para sa HBO Asia original anthology series, ang Food Lore.
Inanunsiyo ang balita sa kamakailang media conference sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre. Si Direk Erik ay napiling magdirek ng Singaporean filmmaker at showrunner na si Eric Khoo.
Ang Food Lore ay isang eight-episode, hour-long series na tatalakay sa human condition. Ipakikita rin dito ang iba’t ibang perspektibo ng Asian cuisines.
Nang kanapanayamin ng Bulletin Entertainment, ibinunyag ni Khoo nab ago pa mapili si Direk Erik, ay matagal na niyang sinusundan ang mga proyekto ng direktor at namangha partikular sa neo-noir crime thriller na On The Job.
“His ideas are right in vein. And his filmmaking art? I love it,” sabi ni Khoo.
Unang nagkita ang dalawa sa Bucheon International Fantastic Film Festival ilang taon na ang nakalipas. Bukod sa magka-pangalan sila, (only with different spelling) binaggit din ni Khoo na naging mas interesado siya kay Direk Erik dahil sa “positive aura” ng mga Pinoy.
“I also met people whom he has worked with and they have nothing but good words for him. I look at Erik as someone spearheading the movement (of filmmaking), and helping young filmmakers even in the smallest possible way he knows,” aniya. “When HBO Asia gave a green light to ‘Food Lore,’ I thought of him. I contacted him and I said that I’m doing an anthology series and I know he likes everything about food. I’m glad he immediately said yes.”
Sa hiwalay na panayam, inilarawan ng HBO Asia’s Senior Vice President na si Jessica Kam si Direk Erik bilang “great and practical.”
Nagkakilala ang dalawa sa Manila ilang linggo lang ang nakararaan at “they had a good chat.”
“He’s very talented,” aniya sabay sabing hindi siya makapaghintay na mapanood at matampok ang Filipino cuisine sa HBO.
Ang shooting para episode ni Direk Erik ay sa Manila, at hindi pa ito nagsisimula. Tahimik naman si Khoo tungkol sa putahe na ididirihe ng Pinoy director, ang sabi lang niya ay “it will be worth the wait.”
Kasamang magdidirihe ni Direk Erik sa series ang mga direktor na si Don Aravind (Singapore), Billy Christian (Indonesia), Takumi Saitoh (Japan), Ho Yuhang (Malaysia), Pen-Ek Ratanaruang (Thailand), at Phan Dang Di (Vietnam).
Ang Food Lore ay “sequel” sa six-part horror series na Folklore ni Khoo, kung saan tinipun-tipon niya rin ang mga direktor mula sa iba’t ibang rehiyon para magdirihe sa stand-alone stories.
Ibinuking naman ni Kam na ang proyekto ay natalakay over wine.
“Eric and I are food lovers!” sabi niya. “When I heard about his idea, I said yes and promised I will pitch it to our bosses. So I had dinner with my colleagues and my boss is sitting next to me, eating great food on the table. Before I could even finish my pitch, he said, ‘All done. Go for it!’ This series is the fastest green-lighted project ever in the history of HBO Asia.”
Ang Food Lore ay produce bilang bahagi ng two-year partnership sa Info-comm Media Development Authority (IMDA) sa Singapore.
-REGINA MAE PARUNGAO