NAGPASALAMAT si Juan Karlos Labajo sa publiko dahil umabot na sa mahigit 100 million ang views ng music video ng kanta niyang Buwan.

JK_

“Thank you all for your support!,” post ni JK sa social media.

Anyway, marami ang naniniwala na sikat talaga ang binata at ang nasabing kanta dahil kahit saan nga kami magpunta ay naririnig naming kinakanta ang Buwan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mayroon namang hindi naniwala at argumento nito, kung may 100M views na ang Buwan, ibig sabihin, 200 million na ang mga Filipino. May nagpaintindi naman sa user na nagduda sa figure, na hindi lang mga Pinoy ang nagkagusto sa kanta, may foreigners din. Binatay nila ito sa mga nabasa nilang komento na may mga dayuhang nagpapatulong sa mga Pinoy na i-translate ang kanta.

Pati nga celebrities ay kinakanta ang Buwan at isa sa magagandang version na narinig namin ay ang version ni Dennis Trillo na ang aktor pa mismo ang nagda-drums.

Tama si Ogie Alcasid na mas sisikat si JK dahil sa nag-viral na pagmumura niya sa isang audience na isinigaw ang pangalan ni Darren Espanto kahit si JK ang kumakanta. Aminin na ilan sa mga nag-view sa music video ni JK ay mga na-curious kung sino ang singer na nagmura sa audience.

Kahit nasangkot sa kontrobersya, masaya pa rin si JK dahil patuloy na naghi-hit ang song niya at dahil may love life siya.

May post din siya sa Instagram ng litrato ng GF niyang si Maureen Wroblewitz na ang caption ay “jackpot!”

Marami ang nag-agree kay JK na jackpot siya kay Maureen na tinawag din niyang “ang aking buwan.”

-Nitz Miralles