Sa kanyang pagbabalik sa makasaysayang Iconic Aspire Dome sa Doha, Qatar, nakamit ni Carlos Yulo ang bronze medal sa men’s floor exercises, sa pagtatapos ng 12th Artistic Gymnastics World Cup, nitong Biyernes.

Carlos Yulo sa Doha

Carlos Yulo sa Doha

Nagtala ang 19-anyos na Pilipino gymnast ng 14.266 points upang pumangatlo laban kay Alexander Shatilov ng Israel, na nagwagi ng gold (14.633), at Rayderley Zapata ng Spain na nakakopo ng silver (14.433).

Si Yulo, na kaisa-isang pambato ng Southeast Asia sa finals, ay nagtala ng 6.1 sa degree of difficulty at 8.166 sa execution.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Nanguna siya sa qualifying round nitong Miyerkules matapos makapagtala ng 14.600.

Lumahok din si Yulo sa vault pero hindi mapalad na umarangkada (12th). Gayundin si Rey Capellan, na nagtapos na pang-21.

Sa Iconic Aspire naging kauna-unahang Pilipino at Southeast Asian si Yulo na nanalo ng medalya – bronze – sa floor exercise sa world championship.

Noong nakaraang buwan, nakasungkit ng gold medal si Yulo sa 2019 Melbourne World Cup.

Kristel Satumbaga