PLASTIK o malinis na planeta?
Hindi na kailangan ang mahabang oras para pag-isipan ang kasagutan.
Sa Abril 14 sa MOA ground, muling ilalarga ng National Geographic ang makabuluhang Earth Day Run bilang bahagi ng pagdiwang ng Earth Day at kampanya para labanan ang anumang uri ng polusyon na nakasisira sa Inang Kalikasan.
Ang taunang patakbo naglalayon na pataasin ang kaalaman ng sambayanan sa masamang epekto na idinudulot ng labis at walang katuturang paggamit ng plastic.
Bawat isa ay may katungulan para mapangalagaan ang kalikasan Ang inaanyayahan ang lahat, sports enthusiast at running buff na makilahok sa NationalGeographic’s Earth Day run sa pamamagitan ng pagbisita sa www.natgeoearthdayrun.com para sa karagdagang kaalaman.
Sa pagtataguyod ng Immunomax, inaasahang sasabak sa ika-10 edisyon ng Earth Day Run ang kabuuang 15,000 running enthusiasts na sasabak sa kategorya na 3K, 5K, 10K at 21K.
“We are proud of how Earth Day Run has played a vital role in bringing awareness to environmental issues in the country. Now on our 10th year, we are excited to once again share everyone’s passion in caring for one’s self and the environment as we run together for the planet. With this year’s theme Planet or Plastic, we aim to raise awareness on the effects of single-use plastic and how important it is to take action today. It is our goal to make Earth Day Run a change driver with how people live their lives. By being more conscious of our actions and the footprint we leave behind, we re-commit and strengthen our promise to help and protect our planet,” pahayag ni Charo Espedido, Director at Head of Marketing ng FOX Networks Group Philippines.
Makasaysayan ang paglulunsad ng Earth Day Run 2019 bunsod nang pagbibigay ng kahalagan sa pagiwas sa paggamit ng plastic.
Batay sa pag-aaral may 9 millyon tonelada ng iba’t ibang uri ng plastic ang naitatapon sa karagatan at lahat ng anyong tubig sa bansa na nagdudulot ng kasiraan sa tanging yaman ng ban.
Sa Isa pang pananaliksik, umaabot sa 450 taon ang mga plastic sa karagatan at iba pang anyong tubig.
Target ng NatGeo na mapigil ang pagdumi ng karagatan dahil sa walang habas na pagtatapon ng mga basura at plastic na umaaabot na sa mga baybayina ng karagatan sa bansa.
“In support of Planet or Plastic?and in celebration of Earth Day, we’re asking runners in Asia to choose the planet. As a global movement dedicated to raising awareness of pollution, Earth Day is the perfect moment to bring environmental issues around climate change, plastic pollution and the health of marine life into the spotlight. Raising awareness of these critical issues through events such as the National Geographic Earth Day Run is key to kick-starting lasting change across the region,” pahayag ni Jude Turcuato, SVP and General Manager ng FOX Networks Group sa bansa.
Inaanyayahan ang lahat ng Pilipino na makiisa sa Earth Day Run.